SINO BA SI DANIEL PADILLA?
Si Daniel John (Dj) Ford Padilla ay ipinanganak noong Abril 26, 1995. Siya ay ang anak ng aktres na si Carla Ford, o mas kilala sa pangalang Karla Estrada at ng ng actor na si Rommel Padilla. Siya ngayon ang itinuturing na pinakasikat na batang actor. Nakadugtong na rin sa pangalan niya ang katawagang “bad boy” na orihinal na nagmula sa kanyang tiyuhin na si Robin Padilla.

Rommel Padilla |
Daniel kasama ang inang si Karla Estrada |
Bilang bata ay nahirapan si Dj sa mga pangyayari sa paligid niya. Naging malaking problema sa buhay niya ang pagkakaroon ng magkahiwalay na magulang at mga kapatid sa iba’t-ibang lalaki. Sa ngayon ay mayroon siyang tatlong kapatid kay Karla at apat naman kay Rommel. Si Dj ay isang mabuting anak at kapatid. Isa rin siyang mabait na kaibigan. Patunay na diyan ang banda niyang Parking 5 kung saan kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Jc at ang kanyang matalik na kaibigan na si Ced. Siya ang bahista sa bandang ito.
PAGSISIMULA SA INDUSTRIYA
Katsumi Kabe, Seth Gothico , Jc Padilla, Daniel Padilla at Lester Giri |
Nagsimula si Dj sa palabas na Gimik noong 2010. Dito ay kapareha niya ang isa pang batang aktres na si Julia Montes. Nasabi ni Dj na hindi niya talaga plano ang sumali sa industriya ng showbiz. Ngunit, nang kalaunan ay nagustuhan niya na rin ito hanggang sa nagtuloy-tuloy ang kanyang mga proyekto. Sumunod na kanyang nilabasan ay ang Growing Up na kung saan si Kathryn Bernardo na ang kanyang kapareha at ang Mara Clara. Sa palabas na ito ay nasabing di planadong tagumpay ang kanyang natamo. Nasabi kasi na ang papel ni Dj ay para talaga sa matalik niyang kaibigan na si Albie Casiño. Matapos ng mga palabas sa linggo ay nagkaroon na siya ng isa pang Primetime na palabas na Princess and I, kung saan ay siya na ang isa sa mga pangunahing karakter sa palabas.
Si Dj
ay may malaking potensyal na maging sikat na artista. Ika-28 ng Mayo 2012 ay naglabas
siya ng sariling album na ipinangalang Daniel Padilla. Meron itong anim na kanta. Ang single sa album niyang
ito ay ang kantang Hinahanap Kita na una niyang kinanta sa palabas na Gandang
Gabi Vice. Ang kantang ito ay personal na pinili ng kanyang ina para sa kanya. Ayon sa tagalikha sa Star Records na si Jonathan Manalo, hindi pa umaabot ng isang linggong nilabas ito ay naibenta na ang lampas sampung libong kopya ng nasabing album. Dahil sa nakabibighaning benta, nagampanan siya ng Gold Record Award at umabot din ng Platinum sapagkat umabot sa lampas dalawampung libong kopya ang nabenta.
Maganda rin ang simula ng taong 2013 para kay Dj sapagkat nakatanggap siya ng maraming parangal sa katatapos lamang na Himig Handog P-Pop Love Songs 2013. Naging tanyag ang single niya na Nasayo Na Ang Lahat na lalong nakadagdag sa kanyang kapalaran.

Sa
ngayon ay hinihintay ng lahat ang unang unang pelikula nila ni Kathryn Bernardo.
Nakalabas na sila sa ibang pelikula katulad ng 24/7 in Love at Sisterakas.
Ngunit malaking paghahanda ang ginawa nila sa pelikulang Must Be... Love dahil ito
ang kauna-unahang pelikula nila ni Kathryn na sila ang pangunahing karakter at
sa kanila umiikot ang buong pelikula.
KATHNIEL ♥ |
May mga
artista sa ating industriya na nagsimula noong bata pa lamang sila. Mayroon
ding mga batang artista na nagtatagal. Nakapasok man si Dj sa industriyang ito
nang mabilisan at mabilis din siyang sumikat ay malaking katanungan pa din kung
mabilis din bang mawawala ang kanyang kasikatan. Kakaiba ang batang artistang ito sapagkat malakas dating niya sa publiko, lalung lalo na sa kabataan, at marunong siyang magpakababa sa mga humahanga sa kanya. May mga nagsasabi na napakasipag niya. Kahit pagod siya sa shooting, minsan pinapaalis na siya para magpahinga, tinatanggihan niya dahil pupuntahan pa niya ang mga tagahangang naghihintay sa kanya.
Marami mang pagkukumpara sa kanya, sa kanyang mga tiyuhin at iba pang aktor isa lamang ang mapatutunguhan, ang bawat isa ay may kanya-kanyang talento na ibinigay ng Diyos na Maykapal ngunit ito rin ay nakaasa kung gagamitin mo ba ito sa kasamaan o kabutihan.
MGA SABI NG IBANG PERSONALIDAD KAY DANIEL PADILLA
Mga reperensiya :
Daniel Padilla. Daniel Padilla - Wikipedia, the free encyclopedia. Retrieved March 12, 2013, from http://en.wikipedia.org/wiki/Daniel_Padilla
(2012). Daniel Padilla tries to live up to the family name: “Sa mga take, sa mga scenes, lagi kong ginagalingan talaga.” - PEP.ph . Daily Dose of Daniel Padilla. Retrieved March 12, 2013, from http://welovedanielpadilla.tumblr.com/post/12691003278/daniel-padilla-tries-to-live-up-to-the-family-name-sa
De Leon, E. (2013, 5). Young actress mas maraming kakumpetensiya; Daniel mas sikat kay Kathryn! . Pang-Msa. Retrieved March 19, 2013, from http://www.philstar.com/pang-movies/2013/03/05/916004/young-actress-mas-maraming-kakumpetensiya-daniel-mas-sikat-kay-kathryn
L. (2013, 2). Pinoy Exchange. Star Cinema's Must Be Love Starring: Daniel Padilla and Kathryn Bernardo. Retrieved March 19, 2013, from http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=598065
Solis, L. (2013, 11). Pang-Masa. Hayden Kho sumusumpang hindi bading pero naguguwapuhan kay Daniel Padilla . Retrieved March 19, 2013, from http://www.new.philstar.com/pang-movies/2013/03/11/918272/hayden-kho-sumusumpang-hindi-bading-pero-naguguwapuhan-kay-daniel

Sumusumpa si Hayden Kho, Jr. na lalaking-lalaki pero guwapung-guwapo siya kay Daniel Padilla.- Lolit Solis
May mga kakilala ako na mga tunay na lalaki pero vocal sa pagsasabi na naguguwapuhan sila kay ganito at ganireng lalaki. Hindi porke’t humanga kay Daniel si Hayden eh bading na ito ’no?! Normal sa mga tunay na mhin na magkaroon ng man crush. Man crush daw o!
Sa opinion ko, ... dihamak na mas magaling naman umarte si Daniel Padilla kesa kay Gerald Anderson at mas magaling din si Kathryn Bernardo kesa kay Kim Chui.- lct08
Atsaka Dihamak na mas sikat ang Kathniel kesa sa Juliemo.
Kung maganda ang story at magiging performance nung dalawa (katniel) malaki ang chance na maganda ang magiging dating ng movie nila sa masa.
I don't think sila ang next kimerald. Kathniel is better than Kimerald in my opinion. Parang Pit n Guy ang nakikita ko sa kanila' hahahah
Marami ang nagsasabi, mukha raw magiging isang malaking hit ang pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ang Must Be… Love ng Star Cinema.-
Pero ang nakakatuwa, sinasabi ng maraming mga kritiko na iyon ay magiging hit dahil kay Daniel. Hindi naman natin maikakaila na matindi ang following ngayon ng mga tao sa bagong Padilla ng showbusiness. Matinee idol kasi ang tipo, wholesome pa ang image. Siya ’yung sinasabi ng mga kababaihan na “boyfriend material”.
’Tapos wala pa siyang kalaban sa kategoryang iyon eh si Kathryn nga naman maraming kakumpitensiya.
In 5 years, Daniel Padilla is going to be one of the biggest stars of Philippine showbiz- Boy Abunda